Nanganganib na muling maranasan ang mga water interuptions dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa tala ng PAGASA, hanggang Miyerkules ay nasa 164.48-meters ang level sa Angat Dam.
Ito ay mas mababa sa normal high water level na 210-meters.
Ang kasalukuyan umanong antas ay ang pinakamababang lebel na naital noong July 2014 kung saan naitala ang pagbagsak ng lebel ng tubig hanggang 162.74-meters.
Dahil dito, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng makaranas ng water service interruption o mababang kalidad ng tubig sa oras na magpatuloy pa ang pagbaba ng lebel ng tubig sa 160-meter level.
Bunsod nito naghahanda na ang mga regulators at water concessionaires ng posibilidad ng mababang lebel ng tubig na pwedeng maging dahilan ng water supply interruptions.