Patuloy pa ring nababawasan ang lebel ng tubig sa Angat dam sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan sa Luzon.
Batay sa datos ng PAGASa hydrology division kaninang ala-6 ng umaga, nasa 170.19meters ang water level ng Angat dam.
Mas mababa ito sa naitalang 170meters kahapon ng umaga at normal operating level na 180meters.
Samantala, bahagyang tumaas naman ng lebel ng tubig sa La Mesa dam na naitala sa 68. 68meters ngayong umaga mula sa 68.64meters kahapon.
Nadagdagan din ng antas ng tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams habang nabawasan naman sa San Roque at Pantabangan dam.