Nabawasan ang water level ng mga dam sa Luzon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa hydrology division ng PAGASA, alas-6 kaninang umaga ay naitala sa 161.78meters ang water level sa Angat Dam na mas mababa kumpara sa 162.39meters na water level nito kahapon.
Rumehistro naman sa 68.50meters ang water level sa La Mesa Dam at ito ay mas mababa rin kung ikukumpara sa 68.54meters na water level nito kahapon.
Nabawasan din ang water level sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.
Samantala, nadagdagan naman ng bahagya ang water level ng Ipo dam na mula sa 100.73meters kahapon ay nasa 100.75meters na ngayon.