Nabawasan ang water level ng lahat ng mga dam sa Luzon sa nakalipas na 24 oras.
Ipinabatid ng hydrology division ng PAGASA na bumaba pa sa 166. 50 meters ang water level sa Angat dam… alas-6 kaninang umaga.
Ang nasabing water level ngayon ng Angat dam at mas mababa kumpara sa 166.99meters na antas ng tubig nito kahapon ng umaga.
Samantala, ang water level ng La Mesa dam ay nasa 68.76meters na mas mababa kumpara sa 68.79 na naitalang water level nito kahapon.
Bukod sa Angat at La Mesa dam, nabawasan din ang water level sa iba pang dam sa Luzon.