Patuloy na nababawasan ang water level ng mga dam sa Luzon.
Ayon sa Hydrology Division ng PAGASA, rumehistro sa 182.97m ang water level sa Angat Dam ngayong araw na ito.
Nabawasan ito ng .58m kumpara sa 183.55m na water level nito kahapon.
Bahagya ring nabawasan ang water level sa La Mesa dam na ngayo’y nasa 68.51m na mula sa 68.52m na naitalang water level nito kahapon, Linggo.
Nabawasan din ang tubig sa Ambuklao dam, San Roque dam at Pantabangan dam.
Nananatiling nasa 100.99m ang water level sa Ipo dam at nadagdagan ang tubig sa Binga dam, Magat dam at Caliraya dam.