Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa hydrology division ng PAGASA, 6 ngayong umaga, nasa 158.38 meters ang water level ng Angat dam kumpara sa 158.69 meters kahapon.
Nabawasan din ang water level sa La Mesa Dam na nasa 72.53 meters at Ipo dam na ang water level ay nasa 99.35 meters.
Nadagdagan naman ng bahagya ang water level ng Ambuklao Dam habang walang pagbabago sa antas ng tubig sa San Roque dam.