Bahagyang tumaas sa low critical level ang tubig sa Angat Dam.
Batay sa PAGASA Hyrdrometeorological Division, kahapon ng umaga ay umabot na sa 160.29 meters ang antas sa Angat.
Lumalabas na nadagdagan ito ng 44cm mula sa 159.85 meters na naitala noong Lunes ng umaga.
Samantala, tuloy-tuloy din ang pagtaas ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam.
Naitala kahapon ng umaga ang 72.23 meters na ang antas ng tubig sa La Mesa Dam.
Mas mataas ito sa critical level nito na 69 meters ngunit malayo pa rin ito sa normal operating level na 79 meters.