Patuloy ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat dam.
Batay sa tala ng PAGASA Hydrology Division, pumalo na kaninang 6:00AM sa 183.45 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.
DAM UPDATE
AS OF 6AM, 05 SEPTEMBER 2019 pic.twitter.com/pXOxFQ63tK— PAGASA-HMD (@PAGASAFFWS) September 4, 2019
Bahagyang mas mataas ito kumapara sa 183.34 meters na naitala kahapon.
Tumaas din ang antas ng tubig sa mga dam ng Ambuklao at Pantabangan.
Nananatili naman sa 77.45 meters ang antas ng tubig sa La Mesa dam maging ang Caliraya dam na nasa 287.50 meters pa rin ang water level.
Samantala, bumaba naman ang water level sa Ipo, Binga, San Roque at Magat dams.