Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam makalipas ang 24 oras.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, nasa 190.69 meters ang tubig sa dam mas mababa kumpara sa 190.90 meters kahapon.
Nabawasan din ang tubig sa La Mesa Dam na mula sa 78.52 meters kahapon ay nasa 78.47 meters ngayon.
Bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ipo Dam, Binga Dam at Magat Dam.
Samantala nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Caliraya Dam, Pantabangan Dam, San Roque Dam at Ambuklao Dam.