Mas mababa pa rin sa critical level ang tubig sa Angat Dam at La Mesa Dam kumpara sa kanilang minimum operating level.
Base sa datus ng dalawang nabanggit na dam, hindi pa rin tumataas ang level ng kanilang at bagkus ay patuloy pa rin itong bumababa, sa kabila ng mga naranasang pag ulan sa nakalipas na mga araw.
Kinakailangan pa rin umano ng mga ito ng maraming pagbuhos ng ulan upang maibalik sa normal ang water level ng kanilang dam.
Matatandaan na dahil sa kakulangan ng supply ng tubig nagkaroon ng krisis sa Manila Water noong buwan ng Marso.
Kasabay ng paglobo ng populasyon, tumataas Rin ang demand ng mga gumagamit ng tubig na dahilan ng water shortage.
Malinaw umano ito na kailangan nang makabuo ng medium at long term water solution para upang magkaroon ng sapat na tubig ang ngat at la mesa dam upang hindi na muling danasin ang water shortage
Gayunman darating pa sa loob ng 2 hanggang 3 taon kaya’t kailangan talaga ang iba pang pansamantalang mapagkukunan ng tubig.
Nabatid na simula pa noong 1997 hanggang ngayon, aabot lamang sa 1.6 billion liters of water per day ang natatanggap ng manila water mula sa angat dam na hindi talaga anila sasapat para suplayan ng 24 hours ang kanilang mga consumer.
Gayundin sa maynilad na halos 22 years nang hindi nadadagdagan ang alokasyon ng tubig na nakukuha nito mula sa angat dam na nasa 2.4 billion liters per day lamang.
Magugunitang maraming lugar ang nawalan ng tubig noong nakalipas na Marso dahil sa pagkawala ng tubig na pinipilit naming gawan ng paraan ng Manila Water upang masuplyan ng tubig ang kanilang mga siniserbsyuhan.
Ayon sa report, mahigit 98% na ngayon ang may access ng tubig mula sa manila water, ngunit hanggang sa ground floor pa lamang dahil sa kulang parin ang kanilang water supply at wala parin umano ang mga medium-term sources.
Magsisilbi naman itong paalala sa mga naninirahan sa condo o medium-rise buildings o mga naninirahan sa second foor o higit pa na mga bahay, na dapat may mga tanke o imbakan sila ng tubig na tulad ng elevated water tanks na dati nang ginagawa sa mga subdivisions.
Base pa sa mga lumabas na ulat, sa kasalukuyan raw, kahit papano’y nakakakuha ng dagdag na 50-56 million liters per day(MLD) na suplay ng tubig ang manila water sa kanilang Cardona Water Treatment Plant sa Rizal, kasama na dito ang mga deepwells na binubuhay na rin, na ngayoy nakapagbigay na ng halos 32-36 MLD.
Samantala, nakakuha naman ang naturang water concessionaire ng higit sa 18mld na tubig mula sa 50mld na ipinaangakong tulong ng maynilad, kung saan inaasahang ibibigay na sa mga darating na araw ng maynilad ang balanse nito upang tuluyang makapagbigay ng ayuda sa Manila Water.
Nananatili naman daw na nasa delikado ang sitwasyon sa tubig hangga’t walang pangmatagalang supply.
Sa ngayon, hindi pa umano makakaasa ang lahat ng mga consumer ng 24/7 na serbisyo bagama’t ang iba ay mayroon na lalo na yaong mga nasa mababa at malapit sa mga reservoirs o imbakan ng tubig. Sa ngayon kahit hindi umano 24/7 ang ibang mga customers ng Manila Water , ang mahalaga ay may suplay na ng tubig, at maari nang mag-ipon, di tulad noon na ilang araw na sunod-sunod na walang pumapatak sa gripo.
Ngayon marami na rin naman ang may tubig ng mula 8 to 20 hours. Medyo hirap man umano na makakuha ng suplay ang mga nasa matataas na lugar at mga nasa malalayo area ngunit ang importante, kahit papano ay nagkakatubig na, na mula 8 hanggang 20 hours kahit sa ground floor na siya naming pamantayan ng Regulatory Office
Una nang sinabi ng mga water concessionaires na asahan pa rin ang mga interruptions dahil sa mga ginagawa nilang regular maintenance sa mga nasirang tubo.
Patuloy namang pinapayuhan ang lahat na matutong magtipid ng tubig lalo’t naranasan na ng bawat isa ang hirap ng walang water supply.