Muling bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam makalipas ang 24 oras.
Batay sa tala ng PAGASA Hydrology Division, nasa 185.64 meters na lamang ang lebel ng tubig sa dam, mas mababa kumpara sa 185.87 meters kahapon.
Bahagyang bumaba rin ang lebel ng tubig sa La Mesa dam.
Mula sa 100.37 meters kahapon ay nasa 100.34 meters na lamang ngayon.
Nabawasan rin ang lebel ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao dam, Binga dam at Caliraya dam.
Samantala, tumaas naman ang antas ng tubig sa Magat dam, Pantabangan dam at San Roque dam.