Muling nabawasan ang water level ng Angat Dam at iba pang dams sa Luzon.
Ayon sa Hydrology Division ng PAGASA, bahagyang nabawasan ang water level ng Angat Dam na nasa 185.28 meters, 6 a.m., o mas mababa sa 185.39 meters na antas nito kahapon.
Bahagya ring nabawasan ang water level ng La Mesa Dam na nasa 77.34 meters ngayon umaga o mas mababa sa 77.37 meters na water level nito kahapon.
Nabawasan rin ang antas ng tubig sa Ipo, Ambuklao at Binga dams.
Samantala, nadagdagan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.