Muling nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat dam makalipas ang 24 oras.
Batay sa tala ng PAGASA Hydrology Division, mula sa 188.37 meters kahapon ay 188.34 meters na lamang ito ngayon.
Nabawasan din ang tubig sa Ambuklao dam at Caliraya dam.
Nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ipo dam, San Roque dam, Pantabangan dam at Magat dam.
Samantala, wala namang naitalang paggalaw sa antas ng tubig sa La Mesa dam na nananatili sa 77.42 meters ngayong araw.