Nabawasan pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 oras.
Alas sais kaninang umaga naitala sa 186. 77 meters ang water level ng Angat dam.
Nabawasan din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100. 52 meters at 77.60 meters.
Maging ang water level ng Magat dam ay nabawasan din.
Habang nadagdagan naman ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon.