Muling nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat dam makalipas ang 24 oras.
Ayon sa tala ng PAGASA Hydrology Division, mula sa 187.27 meters kahapon ay nasa 187.27 na lamang ito ngayon.
Nabawasan din ang lebel ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao dam, Binga dam at Caliraya dam.
Nananatili naman sa 77.57 meters ang dami ng tubig sa La Mesa dam.
Samantala, nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Magat dam, Pantabangan dam at San Roque dam.