Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Batay sa huling pagtaya ng PAGASA hydrology division kaninang 6:00 ng umaga, nasa 199.83 meters ang water level ng Angat.
Mababa ito sa 212 meters na normal high water level ng dam.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76. 85 meters.
Bahagya namang nadagdagan ang lebel ng tubig sa Ipo dam na nasa 101 meters.