Nadagdagan pa ang lebel ng tubig ng Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, naitala kaninang alas sais ng umaga ang 187. 78 meters na antas ng tubig sa Angat.
Mas mataas ito kumpara sa 187. 75 na naitala kahapon.
Nabawasan naman ang lebel ng tubig sa Ipo dam sa 100. 39 meters at La Mesa dam sa 77. 52 meters.
Bahagya rin bumaba ang tubig sa Ambuklao, San Roque at Caliraya dam.
Habang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Binga, Pantabangan at Magat dam.