Muling nadagdagan ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Batay sa pinaka huling tala ng PAGASA hyrdrology kaninang alas sais ng umaga, nasa 166.02 meters na ang water level sa Angat.
Samantala, tumaas din ang antas ng tubig sa Ipo dam na ngayon ay nasa 100. 98 meters.
Umakyat din sa 74.48 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa dam.
Habang nabawasan naman ang Magat at Caliraya dams.