Unti- unti nang nanunumbalik sa normal ang antas ng tubig sa Angat dam.
Ito ay matapos maitala ng PAGASA Hydrology division ngayong 6 ng umaga ang 170.18 meters water level sa Angat.
10 metro na lamang na kulang para maabot ang 180 meters normal operating level nito.
Gayundin, nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam kung saan naitala ito sa 75.86 meters na halos tatlong metro na lamang para sa 80 meters normal operating level nito.
Samantala, bahagya ding tumaas ang antas ng tubig sa iba pang dam tulad ng Ipo, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat.