Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 12 araw.
Batay sa datos mula sa PAGASA 6:00 kaninang umaga, nasa 203.23 meters ang lebel ng tubig sa Angat.
Mas mababa ito kumpara sa 203.35 meters na lebel ng tubig kahapon, araw ng Biyernes.
Maliban sa Angat, nabawasan din ang lebel ng tubig sa mga dam ng Ambuklao, Binga, San Roque, Magat at Pantabangan.
Bahagya namang nadagdagan ang tubig sa mga dam ng La Mesa at Caliraya habang walang nagbago sa lebel ng tubig sa Ipo dam sa nakalipas na magdamag.