Patuloy na nababawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa kanila ng ilang araw nang pag-ulan.
Ayon sa PAGASA Hydro-Meteorological Division, nasa 158. 15 meters ang lebel ng tubig ng Angat hanggang kaninang alas-6 ng umaga, mas mababa sa 158.40 meters na lebel nito kahapon ng umaga.
Hindi rin umangat ang lebel ng tubig sa Ipo, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Gayunman, nadagdagan naman ng bahagya ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam mula sa 69.98 meters kahapon ay umakyat sa 70.16 meters ngayong umaga gayundin ang tubig sa Ambuklao at Binga dams.