Patuloy na nababawasan ang antas ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ipinabatid ng hydrology division ng PAGASA na alas-6 kaninang umaga ay nasa 195.77 meters ang water level ng Angat dam, at ito ay mas mababa sa antas nito kahapon na 195.97 meters.
Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig sa Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams, samantalang nadagdagan naman ang water level sa Binga dam.