Patuloy pa ring nadaragdagan ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrology Division, sumampa na sa 180.75 meters ang water level nito kaninang 6:00AM.
Mas mataas ito kumpara sa 180.7 meters na water level nito kung saan naabot na ang minimum operating level nito kahapon.
Tumaas din ang antas ng tubig sa Ipo dam na ngayon ay nasa 101.09 meters gayundin ang La Mesa dam na nasa 77.11 meters ang water level.
Nadagdagan din ang lebel ng tubig sa iba pang dam sa Luzon maliban sa San Roque at Caliraya dam na kapwa nabawasan ang water level.