Patuloy ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat dam.
Kasabay ito ng patuloy ding nararanasang pag-ulan sa ilang lugar sa bansa na dala pa rin ng habagat.
Batay sa datos ng PAGASA, sumampa na sa 172.31 meters ang water level sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Mas mataas ito ng 1.43 meters kaysa sa water level nito kahapon na 170.88 meters.
Bahagya ring tumaas ang antas ng tubig sa La Mesa dam mula 76.05 meters kahapon, patungong 76.34 meters ngayong umaga ng Sabado.
Samantala, nadagdagan din ang water level sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya dam.