Patuloy pa rin ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa hydrology division ng PAGASA, 6 a.m. naitala sa 187.84 meters ang water level sa Angat Dam.
Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ipo Dam gayundin sa La Mesa Dam at maging sa Ambuklao, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Nabawasan naman ang water level sa Binga at San Roque dams.