Muli na namang umangat ang antas ng tubig sa Angat dam.
Batay sa tala ng PAGASA hydrology, mula sa 184.58 meters na naitala kahapon ay pumalo na sa 184.93 meters ang water level nito kaninang 6 a.m.
Nananatili naman sa 77.37 meters ang water level sa La Mesa dam.
Samantala, tumaas din ang water level sa Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams, habang bumaba naman ang antas ng tubig ng mga dams sa Binga at Caliraya.