Patuloy ang pagbaba ng water level sa Angat Dam, halos isang linggo matapos ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Ayon sa PAGASA, naitala sa 171. 06 meters ang water level ngayon ng Angat Dam, kumpara sa 171. 4 meters kahapon.
Ang nasabing water level ng Angat Dam ay malapit sa 160 meter critical level para sa inuming tubig at 180 meter critical level para sa irigasyon.
Bumaba rin ang water level sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Magat at Caliraya samantalang tumaas naman ang tubig sa Binga Dam.
By Judith Larino