Posibleng bumagsak na sa kritikal na lebel ang tubig sa Angat Dam sa susunod na isa hanggang dalawang araw.
Hanggang nitong alas sais ng umaga, nasa 160.73meters na lamang ang tubig sa Angat o ilang metro na lamang ang layo sa 160meters na syang critical level.
Ayon sa PAGASA, maaari lamang maisalba ang tuluyang pagbaba ng tubig sa Angat kung magkakaroon na ng pag-ulan nitong weekend.
Bagamat opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan, maaari pa rin namang maramdaman ang mahinang el niño hanggang sa Agosto.