Pumalo na sa 190.20 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa tala ng PAGASA Hydrology Division, bahagyang nadagdagan ito mula sa 189.64 meters kahapon.
Tumaas din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 78.80 meters na ngayon kumpara sa 78.30 meters kahapon.
Nadagdagan din ang tubig sa Ambuklao dam, Binga dam, Pantabangan dam at Magat dam.
Samantala, nabawasan naman ang antas ng tubig sa Caliraya dam, San Roque dam at Ipo dam.