Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam makalipas ang 24 oras.
Nasa 190.91 meters ang tubig ngayong araw na mas mataas kumpara sa 190.20 meters kahapon.
Nadagdagan din ang lebel ng tubig sa Ipo dam, Pantabangan dam at Magat dam.
0.29 meters naman ang ibinaba ng antas ng tubig sa La Mesa dam.
Mula sa 78.51 meters nito kahapon ay nasa 78.80 meters ito ngayon.
Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig sa Ambuklao dam, Binga dam, San Roque dam at Caliraya dam.