Tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam makalipas ang 24 oras.
Batay sa tala ng PAGASA Hydrology Division, pumalo na ito sa 187.14 meters, mas mataas kumpara sa 186.67 meters kahapon.
Bahagya namang tumaas ang tubig sa La Mesa dam mula sa 77.34 meters kahapon ay nasa 77.35 meters ngayon.
Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao dam, Binga dam, San Roque dam, Magat dam at Pantabangan dam.
Samantala, bumaba naman ang tubig sa Caliraya dam.