Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam makalipas ang 24 oras.
Batay sa tala ng PAGASA Hydrology Division, pumalo na sa 188.37 meters ang tubig sa dam ngayong araw, mas mataas kumpara sa 188.34 meters kahapon.
Tumaas din ang tubig sa La Mesa dam na nasa 77.44 meters ngayong mula sa 77.42 meters kahapon.
Nadagdagan din ang lebel ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao dam, San Roque dam, Pantabangan dam, Magat dam.
Samantala nabawasan naman ang antas ng tubig sa Caliraya dam at Binga dam.