Tumaas pa ang antas ng tubig sa Angat Dam sa unang araw ng Bagong Taon.
Ayon sa hydrology division ng PAGASA, alas-6 kaninang umaga nang maitala ang 201.72 meters, kumpara sa 201.51 meters na water level nito kahapon ng umaga.
Gayunman, malayo pa sa 212 meters na normal high water level ng Angat Dam ang kasalukuyang antas ng tubig nito.
Wala namang pagbabago sa water level ng Ambuklao Dam.
Nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ipo at La Mesa gayundin ang iba pang dam sa Luzon.