Umabot na sa 199-meter level ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa hydrology division ng PAGASA, alas-6 ngayong umaga rumehistro sa 199.40 meters na ang antas ng tubig ng dam at mas mataas ito sa 198.80 meters na water level kahapon, ika-25 ng Disyembre, subalit malayo pa sa 212 meters na normal high water level ng Angat Dam.
Tumaas din ang water level ng Ipo Dam at La Mesa Dam gayundin ang Binga at Caliraya dams.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams.