Nabawasan muli ang antas ng tubig sa Angat Dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, naitala kaninang alas-6 ng umaga ng Miyerkules ang water level ng Angat Dam sa 210.76 meters, mas mababa ito kaysa sa 211.17 meters na naitala kahapon.
Nabawasan din ang tubig sa Ipo Dam, mula 100.54 meters kahapon ay 100.51 meters na lamang ito ngayon.
Bumaba rin ang water level sa La Mesa Dam kung saan, mula sa 79.36 meters kahapon ay 79.35 meters na lamang ngayong araw.
Nabawasan din naman ang water level ng mga dam sa San Roque, Pantabangan, at Caliraya; habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Binga, Magat dams.
Samantala, patuloy naman ang pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao, Binga at Magat dams.