Inaasahang babalik na sa normal ang suplay ng tubig sa Metro Manila dahil sa patuloy na pag-angat ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Sa ngayon ay halos nasa 189 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam, malapit na sa maximum normal operating level na mahigit sa 200 cubic meters.
Matatandaang ibinaba sa 36 cubic meters ang alokasyon ng tubig ng water concessionaires mula sa normal allocation na 48 cubic meters/second dahil sa pagbagsak ng lebel ng tubig ng Angat.