Patuloy ang pagbaba ng water level sa dalawang dam sa lalawigan ng Benguet sa gitna na rin ito ng panahon ng tag init.
Sinabi ng dam operating managing agencies na posibleng bumaba pa ang antas ng tubig sa Ambuklao dam at Binga dam.
Sa ngayon ay umaabot sa 741.02 meters ang water level ng Binga dam, mas mababa ng .49 meters mula sa normal high water level na 752 meters.
Samantala, nabawasan naman ang reservoir water level ng Binga dam kung saan umaabot na ito sa 568. 25 meters mula sa normal water level nito na 575 meters.
Ang Ambuklao dam sa Bokod, Benguet ay nagsisilbing flood control structure at nagbibigay ng suplay ng tubig sa mga irigasyon sa Pangasinan habang ang binga dam ay para sa power generation at flood control na matatagpuan naman sa Itogon, Benguet.
By Judith Estrada-Larino
Water level sa dalawang dam sa Benguet patuloy ang pagbaba was last modified: April 23rd, 2017 by DWIZ 882