Naka-alerto na ang mga barangay sa paligid ng Marikina River dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig nito sa nakalipas na magdamag dahil sa walang patid na pag-ulan.
Batay sa pinakahuling pagtaya, mula sa 14.2 meters kanina dakong 6AM, nasa 14.4 meters na ngayon ang lebel ng tubig sa Marikina River dakong 10AM.
Mabilis ang pagragasa ng tubig mula sa Rizal pababa sa nasabing ilog kaya naman naghahanda na ngayon ang mga residente sa posibleng pa-akyat nito sa warning level na 15 meters.
Sa ilalim nito, kinakailangan nang maghanda ng lahat ng mga residente para sa posibleng paglilikas bunsod ng pag-apaw ng nasabing ilog.