Binabantayan ngayon ang lebel ng tubig sa Marikina river matapos ito tumaas sa 14.4 meters ngayong 9:00 ng umaga mula 14.2 meters kaninang 6:00 ng umaga.
Bagaman nasa loob pa din ito ng normal range o water level para sa naturang ilog binabantayan ito dahil sa posibleng pagtaas ng lebel nito na maaring magdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila.
Samantala, ayon sa Marikina PIO at Marikina Rescue 161, handa at naka-stand by na ang lahat ng rescue personnel at equipment kung sakaling kailangan nang rumesponde.
Sa panulat ni Jezrel Santillan