Bahagyang bumaba sa 195.67 meters ang lebel ng tubig sa angat dam kaninang umaga.
Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kung saan ang nasabing bilang ay mababa kumpara sa naitalang 195.71 meters kahapon at 212 meters na normal na lebel ng tubig nito.
Maliban sa angat dam, bumaba rin ang water level ng iba pang dam sa Luzon kabilang ang Ambuklao dam na nasa 0.27 meters, San Roque dam na bumaba ng 0.45 meters, 0.24 meters naman sa Pantabangan dam, 0.34 meters ang Magat dam habang 0.27 meters ang water level na ibinaba ng Caliraya dam.
Samantala, inihayag ng pamunuan ng Angat dam na binawasan nila ang alokasyon ng tubig sa mga irigasyon na umabot sa 68 cubic meter per second at posible pang bumaba sa 63 cubic meter per second sa Marso.—sa panulat ni Airiam Sancho