Makararanas ng arawang mahinang pressure sa suplay ng tubig ang Metro Manila at ilang bahagi ng Rizal na sineserbisyuhan ng Manila Water.
Batay sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang water pressure reduction sa Lunes, Setyembre 21 mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw.
Kabilang sa mga mababawasan ang pressure ng tubig ang may 155 barangay sa Makati, Mandaluyong, Marikina, Parañaque, Pasig, Quezon City, San Juan at Taguig.
Maliban dito, apektado rin ang mga taga Angono, Cainta at Taytay sa Rizal.
Ayon sa Manila Water, layon ng pagbabawas ng pressure sa suplay ng tubig ay upang makontrol ang water supply mula sa Angat dam.
By: Ralph Obina