Asahan na ang pagpapatupad ng water service interruption sa Metro Manila sa mga susunod na mga araw.
Ito ang inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) bunsod pa rin ng pananatili ng mas mababa sa normal na alokasyon ng tubig sa mga kabahayan sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.
Ayon kay NWRB executve director Sevillo David Jr., hindi nila kayang maibalik ang 46 cubic meters/second na normal allocation ng mga water concessionaires dahil sa pananatiling mababa sa normal operating level ng Angat Dam.
Paliwanag ni David, kinakailangang iregulate ang ibinibigay na alokasyon mula Angat Dam para maging sapat ang suplay ng tubig sa mga susunod na buwan.
Gayundin aniya ang maiwasang maulit ang naranasang krisis sa tubig na matinidng nakaapekto sa libu-libong kabahayaan sa Metro Manila noong nakaraang taon.