Nakaramdam ng water service interruption ang ilang lugar sa National Capital Region simula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi kahapon.
Ayon sa anunsyo ng Maynilad Water Services Inc., naging sanhi ng pagkawala ng tubig ang power interruption sa La Mesa pumping station.
Apektado rito ang 18 barangay sa Quezon City, Caloocan, at Valenzuela.
Sa Quezon City apektado ang mga lugar ng Gulod, nagkaisang Nayon at Sta. Monica.
Sa Valenzuela, apektado naman ang mga barangay ng baybayin, Bignay, East Canumay, Gen. T. De Leon, Lawang Bato, Linguhan, Mapulang Lupa, Maysan, Parada, Paso De Blas, Punturin, Ugong, at West Canumay.
Habang apektado naman ang mga barangay 165,166 at 167 sa Caloocan.