Pinayuhan ng Maynilad ang kanilang mga customer na maaapektuhan ng water service interruption na magsimula ng mag-ipon ng tubig.
Gayunman, inihayag ni Maynilad Water Supply Operations Head Ronald Padua na mag-imbak lamang ng sapat na tubig upang hindi masayang sakaling magbalik normal na ang supply.
Maaari aniyang magpatuloy ang service interruption depende sa pag-ulan sa mga susunod na buwan at kung matutuloy ang sinasabi ng PAGASA na walang pag-ulan simula Oktubre ay posibleng makaranas ng kawalan ng tubig ang mga Maynilad customer ng higit sa 7 oras.
Magsisimula ang interruption mamayang alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw kinabukasan sa tinatayang 900 barangay na sineserbisyuhan ng Maynilad sa west zone ng Metro Manila at Cavite.
Samantala, makararanas naman ng mahinang pressure ng tubig ang mga customer ng Manila Water sa 167 barangay sa east zone sa Setyembre 21 simula alas-10:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng madaling araw kinabukasan.
By Drew Nacino