Pinalawig pa ng Maynilad ang water service interruption sa 20 barangay sa Las Piñas City.
Ayon kay Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, nakakaranas ngayon ng mahinang tubig ang maraming residente sa kanilang lungsod dahil sa mataas na pangangailangan ng tubig sa Bagbag Reservior.
Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Almanza Uno, Caa, Manuyo Dos, Pamplona Dos at Tres, Pulanglupa Uno at Dos, Talon Uno Hanggang Talon Singko, Zapote at iba pang barangay dahil sa maintenance activity sa kanto ng Alabang-Zapote at Impex Compound.
Samantala, pinayuhan naman ni Aguilar ang lahat ng residente sa lungsod na magtipid sa paggamit ng tubig upang mabawasan ang epekto ng limitadong suplay ng tubig.