Pinalawig ng Maynilad ang water service interruption sa ilang lugar sa Metro Manila at Cavite hanggang katapusan ng Hulyo.
Ayon kay Maynilad Spokesperson Jennifer Rufo, bagamat sapat ang supply ng tubig ay apektado pa ng algae o lumot sa Laguna lake ang ilang water plant at iniiwasan nilang makarating sa kostumer ang mabahong amoy na dulot ng lumot.
Nabatid na kabilang sa mga apektado ng mas pinalawig na water interruption ang ilang lugar sa Metro Manila kabilan na nag Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque gayundin sa Cavite City, Bacoor, Imus, Noveleta at Rosario sa Cavite.
Samantala, tiniyak naman ng Maynilad na gumagawa silang ng paraan upang agaran na maayos ang proseso ng water treatment at mabigyan na muli ng maayos na supply ang mga apektadong kostumer.