(Updated)
Posibleng makaranas na rin ng dalawa hanggang tatlong oras na kawalan ng tubig ang mga customers ng Maynilad Water Services.
Ayon kay Jennifer Rufo, Head ng Corporate Communications Department ng Maynilad, karaniwang apektado nito ang matataas na lugar sa North Caloocan at ilang bahagi ng Quezon City.
Dahil aniya sa malaking demand ngayon ng tubig, madalas na bumababa ang lebel ng tubig sa kanilang Bagbag Reservoir na pangunahing pinagkukunan nila ng supply.
“Binabantayan namin kasi pinupuno namin ‘yan sa gabi so tataas ulit ‘yan sa 70, huwag lang aabot ng 65 minimum dahil medyo magkakaroon ng low pressure sa higher portions, so nagkakaroon sila ng 2-3 hour interruption.” Ani Rufo
On contract review
Bukas ang Maynilad Water Services sa plano ng pamahalaan na ipa-review ang kontrata ng water concessionaires sa bansa.
Ayon kay Jennifer Rufo, Head ng Corporate Communications ng Maynilad, gobyerno naman mismo ang sumulat o bumuo ng kanilang kontrata nang isapribado ang serbisyo ng tubig.
Kumpiyansa aniya ang Maynilad na sa malaking improvement na kanilang naipatupad sa pagbibigay ng serbisyo sa sektor na kanilang nasasakupan mula nang i-take over nila ito noong 1997.
Una rito, inihayag ng Malacañang na nakatakdang magpalabas ng executive order (EO) ang Pangulong Rodrigo Duterte para solusyonan ang problema ng bansa sa tubig at nakapaloob dito ang pagpapa-review sa kontrata ng Maynilad at Manila Water.
“At any rate dahil gusto nga siyang aralin ng ating Presidente, we welcome that naman, kasi to be fair naman itong kontratang ito nag-work siya for many years, it was implemented in 1997 nung unang i-privatize ang MWSS and hindi naman natin mai-de-deny na nag-improve talaga ang service level sa maraming tao, kaya we’re confident in taht na maganda naman ang naging performance ng Maynilad, we’re open to the review.” Pahayag ni Rufo
(Ratsada Balita Interview)