Umiiral pa rin ang 12 hanggang 17 oras na water interruption sa mga nasasakupan ng Manila Water Company.
Ayon kay Jeric Sevilla, spokesman ng Manila Water, lalong lumala ang lagay ng suplay ng tubig dahil mas mababa na sa kritikal na lebel ang tubig sa Angat Dam.
Umapela ng pang unawa sa consumers si Sevilla dahil wala naman anya silang magagawa dahil umaasa lamang sila ng suplay mula sa Angat Dam.
Sinabi ni Sevilla na bagamat nakakakuha na sila ng 50 hanggang 60 milyong litro ng tubig mula sa Laguna Lake, nakalaan naman ito para sa lalawigan ng Rizal.
“Ang maximum niyan ay around 100 million liters per day at full capacity ng Cardona Treatment Plant natin pero yung normal na binibigay na alokasyon para sa mga concessionaires ay 4,000 million liters per day so kumbaga maliit lang kumpara doon sa Angat, talagang maliit lang yung nakukuha natin doon sa Cardona Treatment Plant natin.”
(Balitang Todong Lakas interview)