Hindi katanggap-tanggap kung makaranas tayo ng kakapusan ng suplay ng tubing ngayong pandemya, lalo na’t ang paghuhugas ng kamay ay isang paraan para maiwasan ang virus.
ito ang inihayag ni Senator Grace Poe makaraang igiit na dapat handa ang gobyerno sa pagtugon sa posibilidad ng kakapusan sa suplay ng tubig kasunod ng mga ulat na bahagyang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
ayon kay senator Poe, kritikal ang tuluy-tuloy na serbisyo ng tubig na pangunahing pangangailangan sa lahat ng aspeto ng buhay, kalusugan at kabuhayan.
Dapat anyang maagapan ng mga regulator ng pamahalaan at mga pribadong concessionaire ang problema habang nag-uumpisa pa lamang at bago pa ito tuluyang maging krisis.
Kailangan din anya ang pakikipagtulungan ng mga industriya at tahanan bilang katuwang sa konserbasyon at maayos na paggamit ng tubig.
Nararapat na matutukan din anya ang implementasyon ng ating pambansang programa sa tubig, maging ang mga inisyatibo sa ibang mapagkukunan nito, para matiyak ang matatag na suplay. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno