Sinusuri na ng mga eksperto ang mga pinagkukunan ng tubig sa siyam na bayan at isang lungsod sa paligid ng taal Lake.
Ito, ayon kay Dr. Rhodora Reyes, Toxicology Chief ng Batangas Medical Center, ay matapos makitaan ng kemikal na arsenic ang ilan sa mga water sources.
Sa ngayon anya ay nagsasagawa na sila ng blanket testing sa lahat ng lugar sa paligid ng lawa upang mabatid kung kontaminado ang tubig.
Batay sa pag-aaral noong 2020, wala pang arsenic ang tubig ng Tagaytay City, Cavite na kabilang din sa mga i-te-test ngayon.
Sinuri na rin ang mga residente sa bayan ng Balete, Batangas makaraang ma-detect ang arsenic sa ihi ng ilan sa mga ito.
Ibinabala ni Reyes na posibleng magkaroon ng cancer sa baga at pantog, diabetes, altapresyon, stroke at atake sa puso ang mga na-expose sa arsenic.